Pular para o conteúdo
Publicidade

Atos 16

10 Pagkatapos makita ni Pablo ang pangitaing iyon, naghanda kami agad papuntang Macedonia, dahil naramdaman naming pinapapunta kami roon ng Diyos upang mangaral ng Magandang Balita sa mga tagaroon.

Naniwala si Lydia kay Hesus

11 Naglayag kami mula Troas papuntang Samotracia, at kinabukasan ay dumating kami sa Neapolis. 12 Mula Neapolis, pumunta kami sa Filipos, ang pangunahing lungsod ng Macedonia. Maraming nakatira doon na taga-Roma. Tumigil kami roon ng ilang araw.

13 Pagdating ng Araw ng Pamamahinga, lumabas kami sa lungsod at pumunta sa tabi ng ilog sa pag-aakalang may lugar doon na pinagtitipunan ng mga Hudyo upang manalangin. Nagkataong may mga babaeng nagtitipon doon, kaya nakiupo kami at nakipag-usap sa kanila. 14 Isa sa mga nakikinig sa amin ay si Lydia na taga-Tiatira. Siyaʼy isang negosyante ng mga mamahaling telang kulay lila, at sumasamba siya sa Diyos. Binuksan ng Panginoon ang kanyang puso upang tanggapin ang mga sinasabi ni Pablo. 15 Nagpabautismo siya at ang kanyang pamilya. Pagkatapos, sinabi niya, "Kung naniniwala kayo na ako ay isa nang tunay na mananampalataya sa Panginoon, doon na kayo tumuloy sa aking bahay." At nakumbinsi niya kami.

Sina Pablo at Silas sa Bilangguan

16 Isang araw, habang papunta kami sa lugar na pinagtitipunan para manalangin, sinalubong kami ng isang dalagitang alipin. Ang dalagitang iyon ay sinasaniban ng masamang espiritu na nagbibigay sa kanya ng kakayahang manghula. Malaki ang kinikita ng kanyang mga amo dahil sa kanyang panghuhula. 17 Palaging sinusundan ng babae si Pablo at kami habang sumisigaw ito ng, "Ang mga taong ito ay mga lingkod ng Kataas-taasang Diyos! Ipinangangaral nila sa inyo kung paano kayo maliligtas!"

Veja também