Publicidade

Atos 2

Ang Pagdating ng Banal na Espiritu sa Pentecostes

1 Pagdating ng araw ng pista ng Pentecostes, nagtipon ang lahat ng mananampalataya sa isang bahay. 2 Habang nagtitipon sila, bigla na lang silang nakarinig ng ugong na mula sa langit, na katulad ng malakas na hangin. At napuno nito ang buong bahay na kanilang kinaroroonan. 3 Pagkatapos, may nakita silang mga ningas ng apoy na parang mga dila na kumalat at dumapo sa bawat isa sa kanila. 4 Napuspos silang lahat ng Banal na Espiritu, at nakapagsalita sila sa ibaʼt ibang wika ayon sa kakayahang ibinigay sa kanila ng Espiritu.

5 Nang panahon ding iyon, doon sa Jerusalem ay may mga relihiyosong Hudyo na nanggaling sa ibaʼt ibang bansa sa buong mundo.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-