22 "Mga kababayan kong Israelita, makinig kayo sa akin! Pinatotohanan ng Diyos sa inyo na si Hesus na taga-Nazaret ay sinugo niya nang gumawa siya ng mga himala, kababalaghan, at tanda sa pamamagitan ni Hesus – alam na alam nʼyo ito dahil naganap ang lahat ng ito sa kalagitnaan ninyo. 23 Itong si Hesus, na sa simula paʼy ipinasya na ng Diyos na ibibigay sa inyo, ayon sa kanyang plano, ay inyong ipinapatay sa mga makasalanang taong nagpako sa kanya sa krus. 24 Ngunit pinalaya siya ng Diyos sa pagdurusa at muling binuhay, dahil ang totoo, kahit ang gapos ng kamatayan ay hindi siya kayang pigilan.
Publicidade