5 Isa sa kanila ay si Felipe. Pumunta siya sa isang lungsod ng Samaria at ipinahayag sa mga tao ang tungkol sa Mesias. 6 Nagkaisa ang mga taong bigyan ng pansin ang mga sinabi ni Felipe noong narinig nila siya at nakita ang mga tandang ginawa niya. 7 Sapagkat lumabas ang mga masasamáng espiritu na sumisigaw pa habang papaalis sa mga taong sinapian nila. Marami ring mga paralitiko at mga lumpo ang gumaling. 8 Kaya masayang-masaya ang mga tao sa lungsod na iyon.