24 Dahil sa pananampalataya, nang malaki na si Moises ay tumanggi siyang tawaging anak ng prinsesang anak ng Faraon. 25 Mas ginusto niyang makibahagi sa paghihirap na dinaranas ng bayan ng Diyos kaysa lasapin ang mga panandaliang kaligayahan na dulot ng kasalanan. 26 Itinuring niyang mas mahalaga ang maalipusta para kay Kristo kaysa sa mga kayamanan ng Ehipto, dahil nakatuon ang kanyang paningin sa gantimpalang inaasam niya.