22 Hindi ganito ang paglapit nʼyo sa Diyos, dahil ang nilapitan ninyo ay ang Bundok ng Zion, ang lungsod ng Diyos na buháy, ang Jerusalem na nasa langit na may libu-libong anghel na nagtitipon nang may kagalakan. 23 Lumapit kayo sa pagtitipon12:23 pagtitipon: Sa literal, iglesya. ng mga itinuturing na mga panganay ng Diyos, na ang mga pangalan nila ay nakasulat sa langit. Lumapit kayo sa Diyos na siyang hukom ng lahat, at sa mga espiritu ng mga taong itinuring na matuwid ng Diyos at ginawa na niyang ganap.