Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Hebreo 12

5 Baka nakalimutan nʼyo na ang pangaral ng Diyos sa inyo bilang mga anak niya:

"Anak, huwag mong isawalang-bahala

ang pagtutuwid ng Panginoon,

at huwag kang panghinaan ng loob

kapag sinasaway ka niya.

6 Sapagkat itinutuwid ng Panginoon

ang mga minamahal niya,

at pinapalo ang mga itinuturing niyang anak."12:6 Kaw. 3:11-12. Ito ay hango sa saling Septuagint.

7 Tiisin nʼyo ang lahat ng paghihirap bilang pagdidisiplina ng Diyos sa inyo dahil itinuturing niya kayong mga anak. Sino bang anak ang hindi dinidisiplina ng ama? 8 Kung hindi kayo dinidisiplina ng Diyos gaya ng pagdidisiplina niya sa lahat ng anak niya, hindi kayo mga tunay na anak kundi mga anak sa labas. 9 Kahit ang mga ama natin dito sa lupa ay dinidisiplina tayo, at sa kabila nito, iginagalang natin sila. Kaya lalong dapat tayong magpasakop sa pagdidisiplina ng ating Ama na nasa langit, upang maging mabuti ang pamumuhay natin. 10 Sa maikling panahon, dinidisiplina tayo ng mga ama natin dito sa lupa ayon sa inaakala nilang mabuti. Ngunit ang pagdidisiplina ng Diyos ay laging para sa ikabubuti natin upang maging banal tayong gaya niya. 11 Habang dinidisiplina tayo, hindi tayo natutuwa kundi nasasaktan. Ngunit sa bandang huli, magbubunga ito ng mapayapa at matuwid na pamumuhay.

Veja também