9 Kaya may kapahingahan pang nakalaan sa mga taong sakop ng Diyos. At ang kapahingahang itoʼy katulad ng pagpapahinga ng Diyos sa ikapitong araw. 10 Sapagkat ang sinumang makakaranas ng kapahingahang mula sa Diyos ay makakaranas din ng kapahingahan sa kanyang mga gawain, tulad ng pamamahinga ng Diyos matapos niyang likhain ang lahat.
Publicidade