Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Hebreo 6

4 Sapagkat hindi na muling mapapagsisi at mapapanumbalik sa Diyos ang mga tumalikod sa kanilang pananampalataya. Nooʼy naliwanagan na ang kanilang isip, naranasan nila ang mga biyaya mula sa langit, at silaʼy naging bahagi ng mga tumanggap sa Banal na Espiritu. 5 Naranasan rin nila ang kabutihang dulot ng salita ng Diyos, at nadama ang kapangyarihang ihahayag sa huling araw. 6 Ngunit sa kabila nitoʼy tinalikuran nila ang Diyos. Ang mga ganyang tao ay imposible nang makapagsisi pa at tumalikod sa kanilang mga kasalanan; sapagkat sa pagtalikod nila sa Diyos ay para na rin nilang ipinakong muli ang Anak ng Diyos sa krus at inilagay sa kahihiyan.

Veja também