Publicidade

Hebreus 9

Makalumang Tuntunin tungkol sa Pagsamba

1 May mga tuntunin ang unang kasunduan tungkol sa pagsamba at may sambahang gawa ng tao. 2 Itinayo ang Toldang Sambahan na may dalawang silid. Ang unang silid ay tinatawag na Banal na Lugar, kung saan naroon ang ilawan, ang mesa, at ang tinapay na handog sa Diyos. 3 Ang ikalawang silid ay nasa likod ng tabing. Ito ay tinatawag na Pinakabanal na Lugar. 4 Naroon ang gintong altar na pinagsusunugan ng insenso at ang Kaban ng Tipan na nababalutan ng ginto. Nasa loob ng Kahon ang lalagyang ginto na may lamang manna, ang tungkod ni Aaron na nagkasibol, at ang mga malalapad na mga bato kung saan nakaukit ang mga utos ng Diyos. 5 Sa ibabaw ng Kahon ay may mga kerubin na nagpapahiwatig ng kaluwalhatian ng Diyos, at nilililiman ng mga pakpak ng mga ito ang tinatawag na Takip ng Kapatawaran. Ngunit hindi namin ito maipapaliwanag nang detalyado sa ngayon.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-