Publicidade

Hebreus 9

16 Maihahalintulad ito sa isang huling testamento na kailangang mapatunayan na namatay na ang gumawa nito, 17 dahil wala itong bisa habang nabubuhay pa siya. Nagkakabisa lang ang isang testamento kapag namatay na ang gumawa nito.

18 Kaya maging ang unang kasunduan ay kinailangang pagtibayin sa pamamagitan ng dugo. 19 Pagkatapos maipahayag ni Moises sa mga tao ang bawat utos na sinasabi ng Kautusan, kumuha siya ng dugo ng mga guyaʼt kambing, at hinaluan ng tubig. Isinawsaw niya rito ang balahibo ng tupa na kinulayan ng pula na nakatali sa sanga ng hisopo. Pagkatapos, winisikan niya ang Aklat ng Kautusan at ang mga tao. 20 At sinabi niya: "Ito ang dugong nagpapatibay sa kasunduang ibinigay at ipinatutupad sa inyo ng Diyos."9:20 Exo. 24:8.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_12-11-46-