Ang Paglilibing kay Hesus
38 Pagkatapos nito, hiningi ni Jose na taga-Arimatea ang bangkay ni Hesus kay Pilato. Si Jose ay isang alagad ni Hesus, ngunit palihim lang dahil natatakot siya sa mga pinuno ng mga Hudyo. Pinayagan siya ni Pilato, kaya pinuntahan niya ang bangkay ni Hesus para kunin ito. 39 Sinamahan siya ni Nicodemo, ang lalaking bumisita noon kay Hesus isang gabi. Nagdala si Nicodemo ng mga 35 kilo ng pabango na gawa sa pinaghalong mira at aloe. 40 Kinuha nila ang bangkay ni Hesus at nilagyan ng pabango at binalot ng telang lino, ayon sa nakaugalian ng mga Hudyo sa paglilibing. 41 Sa lugar kung saan ipinako si Hesus ay may halamanan. At doon ay may isang bagong libingan na hindi pa napapaglibingan. 42 Dahil bisperas na noon ng Araw ng Pamamahinga, at dahil malapit lang ang libingang iyon, doon na nila inilibing si Hesus.