Publicidade

João 2

Pinaalis ni Hesus ang mga Nagtitinda sa Templo

13 Malapit na noon ang Pista ng Paglampas ng Anghel, kaya pumunta si Hesus sa Jerusalem. 14 Pumasok siya sa patyo ng Templo at nadatnan niya roon ang mga nagtitinda ng mga baka, tupa, at mga kalapati, at ang mga tagapalit ng pera na nakapuwesto sa mga lamesa nila. 15 Kaya gumawa siya ng panghagupit na lubid, at itinaboy niya silang lahat palabas ng Templo, kasama ang mga tupa at mga baka. Ikinalat niya ang salapi ng mga tagapalit ng pera at itinaob ang mga lamesa nila. 16 Sinabi ni Hesus sa mga nagtitinda ng mga kalapati, "Alisin ninyo ang mga iyan! Huwag ninyong gawing palengke ang bahay ng aking Ama!" 17 Naalala ng mga alagad niya ang sinabi sa Kasulatan, "Ikapapahamak ko ang pagmamalasakit ko sa inyong bahay."2:17 Salmo 69:9.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-