16 Sinabi ni Hesus sa kanya, "Maria!"
Humarap si Maria kay Hesus at sinabi sa wikang Hebreo, "Raboni!" (na ang ibig sabihin ay "Guro").
17 Sinabi ni Hesus, "Huwag mo akong hawakan, dahil hindi pa ako nakakabalik sa aking Ama. Pumunta ka sa mga kapatid ko at sabihing babalik na ako sa aking Ama na inyong Ama, at sa aking Diyos na inyong Diyos."
18 Kaya pinuntahan ni Maria na taga-Magdala ang mga alagad ni Hesus at ibinalita sa kanila na nakita niya ang Panginoon. At sinabi niya sa kanila ang mga ipinasasabi ni Hesus.