Pular para o conteúdo
Publicidade

João 3

3 Sumagot si Hesus, "Sinasabi ko sa iyo ang totoo, walang sinumang makakaranas sa paghahari ng Diyos, malibang ipanganak siyang muli."

4 Nagtanong si Nicodemo, "Paanong maipapanganak muli ang isang taong matanda na? Hindi naman siya puwedeng bumalik sa tiyan ng kanyang ina upang ipanganak muli!"

5 Sumagot si Hesus, "Sinasabi ko sa iyo ang totoo, walang sinumang makakapasok sa kaharian ng Diyos, malibang ipanganak siya sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu. 6 Ang ipinanganak ng tao ay sumusunod sa ugali ng tao. Ngunit ang ipinanganak sa Espiritu ay sumusunod sa ugali ng Espiritu. 7 Kaya huwag kang magtaka sa sinabi ko saʼyo na kailangang ipanganak kang muli. 8 Ang hangin ay umiihip kung saan nito gusto. Nararamdaman natin ito ngunit hindi natin alam kung saan ito nanggagaling o saan papunta. Ganyan din kahirap maunawaan ang kapanganakang espirituwal."

Veja também