Pular para o conteúdo
Publicidade

João 6

6 Tinanong niya ito para subukin si Felipe, sapagkat alam na niya ang kanyang gagawin.

7 Sumagot si Felipe, "Kahit ang sahod sa higit kalahating taon ay ʼdi kakasya para pakainin silang lahat."

8 Sinabi naman ng isa sa mga alagad niyang si Andres na kapatid ni Pedro, 9 "May isang bata rito na may limang tinapay at dalawang isda. Ngunit ano naman ang silbi nito sa ganyan karaming tao?"

10 Sinabi ni Hesus, "Paupuin ninyo ang mga tao." Malago ang damo sa lugar na iyon at umupo naman ang mga tao. (Ang bilang ng mga lalaki lang ay mga limang libo.) 11 Kinuha ni Hesus ang tinapay at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, ipinamahagi ito sa mga tao. Ganoon din ang ginawa niya sa isda, at nabusog ang lahat.

12 Pagkakain nila, sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, "Tipunin nʼyo ang lahat ng natira para walang masayang." 13 Tinipon nga nila ang natira mula sa limang tinapay na ipinakain sa mga tao at nakapuno sila ng labindalawang kaing.

Veja também