Publicidade

João 8

4 at sinabi nila kay Hesus, "Guro, ang babaeng itoʼy nahuling nangangalunya. 5 Ayon sa Kautusan ni Moises, ang mga babaeng tulad niyaʼy dapat batuhin hanggang sa mamatay. Anoʼng masasabi mo?" 6 Itinanong nila ito upang hanapan ng maipaparatang laban sa kanya.

Ngunit yumuko lang si Hesus at sumulat sa lupa sa pamamagitan ng kanyang daliri. 7 Ngunit paulit-ulit silang nagtanong, kaya tumayo si Hesus at sinabi sa kanila, "Kung sino sa inyo ang walang kasalanan ay siya ang maunang bumato sa kanya." 8 At muli siyang yumuko at nagsulat sa lupa.

9 Nang marinig nila iyon, isa-isa silang umalis mula sa pinakamatanda, hanggang si Hesus na lang at ang babae ang naiwan. 10 Tumayo si Hesus at sinabi sa babae, "Nasaan na sila? May humatol ba saʼyo?"

11 Sumagot ang babae, "Wala po." Sinabi ni Hesus sa kanya, "Hindi rin kita hahatulan. Maaari ka nang umalis, pero huwag ka na muling magkasala."]8:11 Wala ang mga talatang Juan 7:53–8:11 sa mga naunang manuskrito, gayundin sa mga naunang salin nito.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-