Publicidade

Jeremias 31

31 Sinabi pa ng Panginoon, "Darating ang panahon

na gagawa ako ng bagong kasunduan

sa mga taga-Israel

at taga-Juda.

32 At hindi ito katulad ng unang kasunduan

na ginawa ko sa kanilang mga ninuno

noong pinatnubayan ko sila

sa paglabas sa Ehipto.

Kahit na akoʼy parang asawa nila,

hindi nila tinupad ang una naming kasunduan,"

sabi ng Panginoon.

33 "Ito ang bagong kasunduan

na gagawin ko sa mga mamamayan

ng Israel pagdating

ng araw na iyon,"

sabi ng Panginoon.

"Itatanim ko sa kanilang isipan

ang aking kautusan,

at isusulat ko ito sa mga puso nila.

34 Hindi na nila kailangan pang turuan

ang mga kababayan o kapatid nila

na kilalanin ang Panginoon.

Sapagkat patatawarin ko ang kanilang kasamaan

at kakalimutan ko na

ang kanilang mga kasalanan,"

sabi ng Panginoon.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_12-11-46-