Pular para o conteúdo
Publicidade

Lucas 1

Ipinahayag ang Kapanganakan ni Hesus

26 Sa ikaanim na buwan ng pagbubuntis ni Elisabet, inutusan ng Diyos ang anghel na si Gabriel na pumunta sa bayan ng Nazaret sa lalawigan ng Galilea. 27 Pinapunta siya sa isang birhen1:27 birhen: O dalaga. na ang pangalan ay Maria. Nakatakda nang ikasal si Maria kay Jose na mula sa lahi ni Haring David. 28 Sinabi ni Gabriel, "Maria, magalak ka!1:28 Magalak ka: Isang karaniwang paraan ng pagbati sa isang kaibigan. Ikaw na pinagpala ng Diyos. Sumasaiyo ang Panginoon."

29 Nabagabag si Maria sa sinabi ng anghel. Inisip niyang mabuti kung ano ang ibig sabihin noon. 30 Kaya sinabi sa kanya ng anghel, "Huwag kang matakot, Maria, dahil pinagpala ka ng Diyos. 31 Magdadalantao ka at magsisilang ng isang lalaki, at papangalanan mo siyang Hesus. 32 Magiging dakila siya at tatawaging Anak ng Kataas-taasang Diyos. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng ninuno niyang si David. 33 Maghahari siya sa mga lahi ni Jacob magpakailanman; ang kaharian niya ay walang katapusan."

34 Nagtanong si Maria sa anghel, "Paano po ito mangyayari gayong dalaga pa ako?"

35 Sumagot ang anghel, "Sasaiyo ang Banal na Espiritu at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos. Kaya ang banal na sanggol na ipapanganak mo ay tatawaging Anak ng Diyos. 36 Maging ang kamag-anak mong si Elisabet ay buntis din sa kabila ng kanyang katandaan. Alam ng lahat na baog siya, pero anim na buwan na siyang buntis ngayon. 37 Sapagkat walang imposible sa Diyos."

38 Sumagot si Maria, "Akoʼy lingkod ng Panginoon. Mangyari nawa sa akin ang mga sinabi ninyo." At iniwan siya ng anghel.

Veja também