Pular para o conteúdo
Publicidade

Lucas 16

Ang Mayamang Lalaki at si Lazaro

19 "May isang mayamang lalaki na nakasuot ng mamahaling damit at kumakain ng masasarap na pagkain araw-araw. 20 May isa namang pulubing puno ng pigsa ang katawan na ang pangalan ay Lazaro. Dinadala siya sa labas ng pintuan ng bakuran ng mayaman. 21 Gusto niyang makakain kahit ng mga mumong nahuhulog mula sa mesa ng mayaman. Nilalapitan siya roon ng mga aso at dinidilaan ang mga pigsa niya sa katawan.

22 "Namatay ang pulubi at dinala siya ng mga anghel sa piling ni Abraham. Namatay din ang mayaman at inilibing, 23 at dinala ito sa mundo ng mga patay.16:23 mundo ng mga patay: Sa Griyego, Hades. Habang nagdurusa siya roon, nakita niya sa malayo si Lazaro na kasama ni Abraham. 24 Kaya tumawag siya, Amang Abraham, maawa po kayo sa akin! Utusan nʼyo po si Lazaro na isawsaw ang daliri niya sa tubig at ipatak sa dila ko para lumamig-lamig ang pakiramdam ko, dahil hirap na hirap na ako rito sa apoy.

25 "Ngunit sumagot si Abraham, Anak, alalahanin mong noong nabubuhay ka pa sa lupa ay mabuti ang kalagayan mo pero si Lazaro ay hirap na hirap. Ngayon naman ay inaaliw siya rito at ikaw naman ang nahihirapan. 26 Isa pa, hindi maaari ang sinabi mo dahil may malawak na bangin sa pagitan natin. Ang mga nandito sa amin na gustong pumunta diyan ay hindi makakatawid, at ang mga nariyan sa inyo ay hindi rin makakatawid dito.

27 "Sinabi pa ng mayaman, Kung ganoon, Amang Abraham, nakikiusap ako sa inyo, papuntahin po ninyo si Lazaro sa bahay ng aking ama 28 upang bigyan ng babala ang lima kong kapatid na lalaki tungkol sa lugar na ito ng paghihirap, nang hindi sila mapunta rito.

29 "Sumagot si Abraham, Nasa kanila ang mga isinulat ni Moises at ng mga propeta. Dapat nilang pakinggan ang mga iyon.

30 "Sumagot ang mayaman, Hindi po sila makikinig doon, amang Abraham. Ngunit kung may patay na mabubuhay at pupunta sa kanila, magsisisi ang mga iyon.

31 "Ngunit sinabi ni Abraham, Kung ayaw nilang makinig sa mga isinulat ni Moises at ng mga propeta, hindi rin sila maniniwala kahit mabuhay pa ang isang patay at mangaral sa kanila.’ "

Veja também