Pular para o conteúdo
Publicidade

Lucas 22:14-20

14 Pagdating ng oras ng hapunan, kumain si Hesus at ang kanyang mga apostol. 15 Sinabi ni Hesus sa kanila, "Gustong-gusto kong makasalo kayo sa hapunang ito sa pagdiriwang ng Pista ng Paglampas ng Anghel, bago ako magdusa. 16 Sapagkat sinasabi ko sa inyo na hindi na ako muling kakain nito hanggang sa matupad ang kahulugan nito sa araw ng paghahari ng Diyos."

17 Pagkatapos, kumuha siya ng inumin22:17 inumin: Sa literal, kopa. Ganito rin sa talata 20|LUK 22:20., nagpasalamat sa Diyos, at sinabi sa kanila, "Kunin ninyo ito at paghati-hatian. 18 Sinasabi ko sa inyo na hindi na ako muling iinom ng inuming mula sa ubas hanggang sa araw ng paghahari ng Diyos."

19 Pagkatapos, kumuha siya ng tinapay, at matapos magpasalamat sa Diyos ay pinagpira-piraso niya ito at ibinigay sa kanila. Sinabi niya, "Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin."

20 Pagkatapos nilang kumain, ganoon din ang ginawa niya sa inumin: Kinuha niya ito at sinabi, "Ang inuming ito ang bagong kasunduan na pinagtibay ng dugo kong mabubuhos ng dahil sa inyo.

Todos os capítulos de Lucas 24
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.