31 "Simon, makinig kang mabuti! Humingi ng pahintulot si Satanas sa Diyos na subukin niya kayong lahat tulad ng pag-aalis ng ipa sa mga trigo. 32 Ngunit nanalangin ako para sa iyo, na huwag manghina ang iyong pananampalataya. At kapag nagbalik-loob ka na, palalakasin mo ang pananampalataya ng iyong mga kapatid."
33 Sumagot si Simon, "Panginoon, handa po akong mabilanggo o mamatay na kasama ninyo."
34 Ngunit sinabi sa kanya ni Hesus, "Pedro, tandaan mo, bago tumilaok ang manok ngayong gabi, tatlong beses mong ikakaila na kilala mo ako."