Pular para o conteúdo
Publicidade

Lucas 22:39-46

Nanalangin si Hesus sa Bundok ng mga Olibo

39 Lumabas si Hesus sa Jerusalem, at gaya ng nakaugalian niya, pumunta siya sa Bundok ng mga Olibo. Sumama rin ang mga alagad niya. 40 Pagdating nila roon, sinabi niya sa kanila, "Manalangin kayo upang hindi kayo madaig ng tukso." 41 Iniwan niya ang mga alagad niya at lumayo nang kaunti.22:41 nang kaunti: Sa literal, ng isang hagis ng bato. Pagkatapos, lumuhod siya at nanalangin, 42 "Ama, kung maaari ay ilayo nʼyo sana sa akin ang mga paghihirap na darating.22:42 ang mga paghihirap na darating: Sa literal, ang kopang ito. Ngunit hindi ang kalooban ko ang masunod kundi ang kalooban ninyo." [ 43 Nagpakita sa kanya ang isang anghel mula sa langit at pinalakas siya. 44 Dahil sa paghihirap ng kanyang kalooban, lalo siyang nanalangin nang taimtim, at ang mga pawis niya ay parang dugo na tumutulo sa lupa.]22:43-44 Wala ang mga talatang ito sa ilang naunang manuskrito.

45 Pagkatapos, tumayo siya at binalikan ang mga alagad niya, pero nadatnan niya silang natutulog dahil napagod sila sa matinding paghihinagpis. 46 Kaya sinabi niya sa kanila, "Bakit kayo natutulog? Bumangon kayo at manalangin, upang hindi kayo madaig ng tukso."

Todos os capítulos de Lucas 24
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.