Pular para o conteúdo
Publicidade

Lucas 22:7-23

Ang Huling Hapunan

7 Dumating ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa, ang araw na pinapatay ang tupang hinahandog bilang pag-alaala sa Paglampas ng Anghel. 8 Kaya inutusan ni Hesus sina at , "Ihanda ninyo ang hapunan natin para sa Pista ng Paglampas ng Anghel."

9 Nagtanong sila, "Saan nʼyo po kami gustong maghanda?"

10 Sumagot si Hesus, "Pagpasok ninyo sa lungsod ng , sasalubungin kayo ng isang lalaking may pasan-pasang banga ng tubig. Sundan ninyo siya sa bahay na papasukan niya, 11 at sabihin ninyo sa may-ari ng bahay, ‘Ipinapatanong ng Guro kung saan ang kuwartong kakainan niya ng hapunan kasama ang mga alagad niya upang ipagdiwang ang Pista ng Paglampas ng Anghel.’ 12 Isasama niya kayo sa itaas at ituturo sa inyo ang isang malaking kuwarto na kumpleto ang kagamitan. Doon kayo maghanda ng hapunan natin."

13 Lumakad sila at nakita nga nila ang lahat ayon sa sinabi ni Hesus sa kanila. At inihanda nila roon ang hapunan para sa Pista.

14 Pagdating ng oras ng hapunan, kumain si Hesus at ang kanyang mga apostol. 15 Sinabi ni Hesus sa kanila, "Gustong-gusto kong makasalo kayo sa hapunang ito sa pagdiriwang ng Pista ng Paglampas ng Anghel, bago ako magdusa. 16 Sapagkat sinasabi ko sa inyo na hindi na ako muling kakain nito hanggang sa matupad ang kahulugan nito sa araw ng paghahari ng Diyos."

17 Pagkatapos, kumuha siya ng inumin22:17 inumin: Sa literal, kopa. Ganito rin sa talata 20|LUK 22:20., nagpasalamat sa Diyos, at sinabi sa kanila, "Kunin ninyo ito at paghati-hatian. 18 Sinasabi ko sa inyo na hindi na ako muling iinom ng inuming mula sa ubas hanggang sa araw ng paghahari ng Diyos."

19 Pagkatapos, kumuha siya ng tinapay, at matapos magpasalamat sa Diyos ay pinagpira-piraso niya ito at ibinigay sa kanila. Sinabi niya, "Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin."

20 Pagkatapos nilang kumain, ganoon din ang ginawa niya sa inumin: Kinuha niya ito at sinabi, "Ang inuming ito ang bagong kasunduan na pinagtibay ng dugo kong mabubuhos ng dahil sa inyo. 21 Ngunit makinig kayo! Kasalo ko sa mesang ito ang taong magtatraydor sa akin. 22 Sapagkat ayon sa itinalaga ng Diyos, ang Anak ng Tao ay papatayin, ngunit nakakaawa ang taong magtatraydor sa akin." 23 Nagtanungan sa isaʼt isa ang mga alagad niya kung sino kaya sa kanila ang gagawa noon.

Pessoa
G4074
Pedro
ΠέτροςPétrosכֵּיפָאkeyfa
Pedro, chamado Simão, pescador da Galileia, foi um dos doze apóstolos; confessou Jesus como o Cristo, negou-o três vezes e depois pregou no Pentecostes (Mateus 16:16).
Significado: “Pedra, rocha”
Ver página completa
Pessoa
G2491
João
ἸωάννηςI̓ōánnēsיוֹחָנָןyochanan
João, filho de Zebedeu e irmão de Tiago, deixou o barco do pai para seguir Jesus, foi um dos doze apóstolos e esteve com ele na transfiguração (Marcos 1:19).
Significado: “O Senhor é gracioso”
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Jerusalém
Hoje: Jerusalém, Israel
ἹερουσαλήμHierousalēmיְרוּשָׁלִַ֫םyerushalaim
Jerusalém é a cidade do templo de Deus, onde moraram filhos de Judá e de Benjamim; o exército babilônio derrubou os muros da cidade (2 Reis 25:10).
31,78° N, 35,23° L
Citado em 955 versículos
Ver página completa
Todos os capítulos de Lucas 24
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.