Dinala si Hesus kay Pilato
1 Pagkatapos noon, tumayo silang lahat at dinala nila si Hesus kay Pilato. 2 At sinabi nila ang mga paratang nila laban kay Hesus: "Nahuli namin ang taong ito na sinusulsulan niya ang mga kababayan namin na maghimagsik. Ipinagbabawal niya ang pagbabayad ng buwis sa Emperador, at sinasabi niyang siya raw ang Mesias, na isang hari!"
3 Tinanong siya ni Pilato, "Ikaw nga ba ang hari ng mga Hudyo?"
Sumagot si Hesus, "Kayo na ang nagsasabi."
4 Sinabi ni Pilato sa mga namamahalang pari at sa mga tao, "Wala akong nakikitang kasalanan sa taong ito!"
5 Ngunit mapilit sila at sinabing, "Ginugulo niya ang mga tao sa buong Judea sa pamamagitan ng mga turo niya. Nagsimula siya sa Galilea at narito na siya ngayon sa Jerusalem."