Pular para o conteúdo
Publicidade

Lucas 23:26-43

Ipinako sa Krus si Hesus

26 Habang dinadala na ng mga sundalo si Hesus sa lugar na pagpapakuan sa kanya, nasalubong nila si Simon na taga- na kagagaling lang sa bukid. Dinakip nila ito, at sapilitan nilang ipinapasan sa kanya ang krus, kasunod ni Hesus. 27 Sinusundan si Hesus ng napakaraming tao, kabilang ang mga babaeng umiiyak at nananaghoy dahil naaawa sila sa kanya. 28 Ngunit lumingon sa kanila si Hesus at sinabi, "Kayong mga kababaihan ng , huwag ninyo akong iyakan. Ang iyakan ninyo ay ang mga sarili ninyo at ang inyong mga anak. 29 Sapagkat darating ang mga araw na sasabihin ng mga tao, ‘Mapalad ang mga babaeng walang anak at walang pinasususong sanggol.’ 30 Sa mga araw na iyon ay sasabihin ng mga tao sa mga bundok at sa mga burol, ‘Tabunan ninyo kami!’23:30 Hos. 10:8. 31 Sapagkat kung ginawa nila ito sa akin na walang kasalanan,23:31 sa akin na walang kasalanan: Sa literal, sa sariwang kahoy. ano pa kaya sa mga taong may kasalanan?"23:31 sa mga taong may kasalanan: Sa literal, sa tuyong kahoy.

32 Dalawa pang kriminal ang dinala nila para pataying kasama ni Hesus. 33 Pagdating nila sa lugar na tinatawag na Bungo, ipinako nila sa krus si Hesus at ang dalawang kriminal, ang isa ay sa kanan ni Hesus at ang isa ay sa kaliwa. [ 34 Sinabi ni Hesus, "Ama, patawarin mo sila dahil hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa."]23:34 Sa ilang naunang manuskrito, wala ang bahaging ito. Nagpalabunutan ang mga sundalo para paghahati-hatian ang mga damit ni Hesus.

35 Habang nakatayo ang mga tao roon at nanonood, iniinsulto ng mga tagapamahala ng bayan si Hesus. Sinabi nila, "Iniligtas niya ang iba, iligtas naman niya ngayon ang kanyang sarili kung siya nga talaga ang Mesias na pinili ng Diyos!"

36 Ininsulto rin siya ng mga sundalo at binigyan ng maasim na alak, 37 at sinabi pa nila sa kanya, "Kung ikaw nga ang hari ng mga Hudyo, iligtas mo ang iyong sarili!"

38 May karatula sa ulunan ni Hesus, at ganito ang nakasulat: Ito ang Hari ng mga Hudyo.

39 Ininsulto rin si Hesus ng isa sa mga kriminal sa tabi niya, "Hindi ba ikaw ang Mesias? Iligtas mo ang sarili mo, pati na kami!"

40 Ngunit sinaway siya ng isa pang kriminal na nakapako, "Hindi ka ba natatakot sa Diyos? Ikaw man ay pinaparusahan din ng kamatayan. 41 Dapat lang na parusahan tayo ng kamatayan dahil sa mga ginawa nating kasalanan, pero ang taong itoʼy walang ginawang masama!"

42 Pagkatapos ay sinabi niya, "Hesus, alalahanin nʼyo ako kapag naghahari na kayo."

43 Sumagot si Hesus, "Sasabihin ko sa iyo ang totoo, ngayon din ay makakasama kita sa Paraiso."

Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Cirene
Hoje: Shahhat (Cirene), Líbia
ΚυρήνηKurēnē
Cirene é o lugar de onde veio Simão, obrigado a carregar a cruz de Jesus; de lá também eram Lúcio, profeta e mestre em Antioquia, e judeus que discutiram com Estêvão (Mateus 27:32).
32,82° N, 21,85° L
Citado em 7 versículosTb.: Cireneu
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Jerusalém
Hoje: Jerusalém, Israel
ἹερουσαλήμHierousalēmיְרוּשָׁלִַ֫םyerushalaim
Jerusalém é a cidade do templo de Deus, onde moraram filhos de Judá e de Benjamim; o exército babilônio derrubou os muros da cidade (2 Reis 25:10).
31,78° N, 35,23° L
Citado em 955 versículos
Ver página completa
Todos os capítulos de Lucas 24
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.