Publicidade

Lucas 23

33 Pagdating nila sa lugar na tinatawag na Bungo, ipinako nila sa krus si Hesus at ang dalawang kriminal, ang isa ay sa kanan ni Hesus at ang isa ay sa kaliwa. [ 34 Sinabi ni Hesus, "Ama, patawarin mo sila dahil hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa."]23:34 Sa ilang naunang manuskrito, wala ang bahaging ito. Nagpalabunutan ang mga sundalo para paghahati-hatian ang mga damit ni Hesus.

35 Habang nakatayo ang mga tao roon at nanonood, iniinsulto ng mga tagapamahala ng bayan si Hesus. Sinabi nila, "Iniligtas niya ang iba, iligtas naman niya ngayon ang kanyang sarili kung siya nga talaga ang Mesias na pinili ng Diyos!"

36 Ininsulto rin siya ng mga sundalo at binigyan ng maasim na alak, 37 at sinabi pa nila sa kanya, "Kung ikaw nga ang hari ng mga Hudyo, iligtas mo ang iyong sarili!"

38 May karatula sa ulunan ni Hesus, at ganito ang nakasulat: Ito ang Hari ng mga Hudyo.

39 Ininsulto rin si Hesus ng isa sa mga kriminal sa tabi niya, "Hindi ba ikaw ang Mesias? Iligtas mo ang sarili mo, pati na kami!"

40 Ngunit sinaway siya ng isa pang kriminal na nakapako, "Hindi ka ba natatakot sa Diyos? Ikaw man ay pinaparusahan din ng kamatayan. 41 Dapat lang na parusahan tayo ng kamatayan dahil sa mga ginawa nating kasalanan, pero ang taong itoʼy walang ginawang masama!"

42 Pagkatapos ay sinabi niya, "Hesus, alalahanin nʼyo ako kapag naghahari na kayo."

43 Sumagot si Hesus, "Sasabihin ko sa iyo ang totoo, ngayon din ay makakasama kita sa Paraiso."

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-04_15-35-42-