Pular para o conteúdo
Publicidade

Lucas 7

Ang Pananampalataya ng Kapitan

1 Pagkatapos ipangaral ni Hesus sa mga tao ang mga bagay na ito, pumunta siya sa Capernaum. 2 May isang kapitan doon ng hukbong Romano na may katiwalang malubha ang sakit at nag-aagaw-buhay na. Mahal niya ang katiwalang ito. 3 Kaya nang mabalitaan ng kapitan ang tungkol kay Hesus, nagsugo siya ng ilang pinuno ng mga Hudyo upang pakiusapan si Hesus na puntahan at pagalingin ang kanyang katiwala. 4 Pagdating nila kay Hesus, nakiusap silang mabuti sa kanya, "Karapat-dapat po siyang tulungan ninyo, 5 dahil mahal niya tayong mga Hudyo at ipinagpatayo pa niya tayo ng isang sinagoga." 6 Kaya sumáma sa kanila si Hesus.

Nang malapit na sila sa bahay ng kapitan, nagsugo ito ng ilang kaibigan niya para salubungin si Hesus at sabihin, "Panginoon, huwag na po kayong mag-abala, dahil hindi ako karapat-dapat na puntahan nʼyo sa aking tahanan. 7 At hindi rin po ako karapat-dapat na humarap sa inyo. Sa halip, iutos nʼyo lamang na gumaling ang aking katiwala at siyaʼy gagaling. 8 Alam ko po ito dahil nasa ilalim ako ng nakakataas na opisyal, at may mga sundalo ring nasa ilalim ko. Kapag sinabi ko sa isa, Pumunta ka roon,pumupunta siya. Kapag sinabi ko naman sa isa pa, Halika,lumalapit siya. At kapag sinabi ko sa aking alipin, Gawin mo ito,ginagawa niya."

9 Nang marinig ito ni Hesus, namangha siya sa kapitan. Humarap siya sa napakaraming taong sumusunod sa kanya at sinabi, "Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kahit na sa Israel ay hindi pa ako nakakakita ng ganito kalalim na pananampalataya." 10 Nang makabalik na sa bahay ang mga sinugo ng kapitan, nakita nilang magaling na ang katiwala.

Veja também