33 Sapagkat noong dumating si Juan na Tagapagbautismo ay nag-aayuno siya at hindi umiinom ng alak, at ang sabi ninyo, ‘Sinasapian siya ng demonyo.’ 34 Nang dumating naman ang Anak ng Tao, at nakita ninyo siyang kumakain at umiinom, ang sabi naman ninyo, ‘Ang taong iyan ay matakaw at lasenggo, at kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng iba pang makasalanan.’