Pinatigil ni Hesus ang Bagyo
22 Isang araw, sumakay ng bangka si Hesus kasama ang mga alagad niya. Sinabi niya sa kanila, "Tumawid tayo sa kabila ng lawa." At ganoon nga ang ginawa nila. 23 Habang naglalayag sila, nakatulog si Hesus. Maya-mayaʼy dumating ang mabagsik na unos at pinasok ng maraming tubig ang bangka nila, kaya nalagay sila sa panganib.
24 Nilapitan siya ng mga alagad niya at ginising, "Guro! Guro! Mamamatay na tayo!"
Bumangon si Hesus at pinatigil ang malakas na hangin at ang malalaking alon. Tumigil ang mga ito at biglang kumalma ang panahon. 25 Pagkatapos, tinanong ni Hesus ang mga alagad niya, "Nasaan ang pananampalataya ninyo?"
Namangha sila at natakot, at nag-usap-usap, "Sino kaya ito? Kahit ang hangin at ang alon ay inuutusan niya, at sinusunod siya!"
Nagpagaling si Hesus ng Taong Sinaniban
26 Nagpatuloy sila sa paglalayag hanggang sa makarating sa lupain ng mga Geraseno8:26 Geraseno: Sa ibang tekstong Griyego, Gergeseno o Gadareno. Ganito rin sa talata 37|LUK 8:37. na katapat ng Galilea.