43 May isang babae roon na labindalawang taon nang dinudugo8:43 Sa ilang manuskrito, may dagdag na naubos na lahat ang mga ari-arian niya sa pagpapagamot. at hindi mapagaling ng kahit sino. 44 Nang makalapit siya sa likuran ni Hesus, hinipo niya ang laylayan ng damit ni Hesus, at biglang tumigil ang kanyang pagdurugo.
45 Nagtanong si Hesus, "Sino ang humawak sa akin?"
Nang walang umamin, sinabi ni Pedro, "Guro, alam nʼyo naman po na napapaligiran kayo ng maraming taong nagsisiksikan papalapit sa inyo."
46 Ngunit sinabi ni Hesus, "May humawak sa akin, dahil naramdaman kong may kapangyarihang lumabas sa akin."
47 Nang mapagtanto ng babae na hindi niya maililihim ang ginawa niya, lumapit siyang nanginginig sa takot at lumuhod sa harap ni Hesus. Pagkatapos, sinabi niya sa harapan ng lahat kung bakit niya hinipo si Hesus, at kung paanong gumaling siya kaagad. 48 Sinabi sa kanya ni Hesus, "Anak, pinagaling ka ng iyong pananampalataya. Umuwi kang mapayapa."