Pular para o conteúdo
Publicidade

Marcos 11

Ang Sinabi ni Hesus sa Puno ng Igos

12 Kinabukasan, nang pabalik na sila sa Jerusalem mula sa Betania, nagutom si Hesus. 13 May nakita siyang isang madahong puno ng igos sa di-kalayuan. Kaya nilapitan niya ito at tiningnan kung may bunga. Ngunit wala siyang nakita kundi mga dahon lang, dahil hindi pa panahon ng pamumunga ng mga igos noon. 14 Sinabi ni Hesus sa puno, "Mula ngayon, wala nang makakakain ng bunga mo." At narinig iyon ng mga alagad niya.

Veja também