24 "Pagkatapos ng mga araw na iyon ng matinding kahirapan,
‘magdidilim ang araw,
hindi na magliliwanag ang buwan,
25 at mahuhulog ang mga bituin
mula sa langit.
Ang mga bagay13:25 mga bagay: Sa literal, mga kapangyarihan. sa kalawakan
ay mayayanig at mawawala
sa kani-kanilang kinalalagyan.’13:25 Isa. 13:10; 34:4; Joel 2:10.
26 "At makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating mula sa mga ulap, taglay ang dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian. 27 Ipapadala niya ang kanyang mga anghel sa lahat ng sulok ng mundo upang tipunin ang kanyang mga hinirang.