Ang Paglibing kay Hesus
42 Noon ay Araw ng Paghahanda, ang bisperas ng Araw ng Pamamahinga. Magtatakip-silim na noon, 43 kaya naglakas-loob si Jose na taga-Arimatea na puntahan si Pilato at hingin ang bangkay ni Hesus. Si Jose ay isa sa mga iginagalang na miyembro ng Korte ng mga Hudyo. At isa siya sa mga naghihintay sa paghahari ng Diyos.