Pular para o conteúdo
Publicidade

Marcos 2

3 may mga taong dumating kasama ang isang paralitikong buhat-buhat ng apat na lalaki. 4 Dahil sa dami ng tao, hindi sila makalapit kay Hesus. Kaya binaklas nila ang bahagi ng bubong sa tapat ni Hesus at saka ibinaba ang paralitikong nasa kanyang higaan. 5 Nang makita ni Hesus ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa paralitiko, "Anak, pinatawad na ang iyong mga kasalanan."

6 Narinig ito ng ilang mga tagapagturo ng Kautusan na nakaupo roon. Sinabi nila sa kanilang sarili, 7 "Bakit siya nagbitaw ng ganyang mga salita? Kalapastanganan ʼyan sa Diyos! Tanging Diyos lamang ang nakakapagpatawad ng kasalanan!"

8 Alam ni Hesus ang kanilang iniisip, kaya sinabi niya sa kanila, "Bakit kayo nag-iisip ng ganyan? 9 Alin ba ang mas madaling sabihin sa paralitiko: Pinatawad na ang iyong mga kasalanan,o Tumayo ka, buhatin mo ang iyong higaan at lumakad? 10 Ngayon, patutunayan ko sa inyo na ang Anak ng Tao2:10 Titulong madalas gamitin ni Hesus para sa kanyang sarili. ay may kapangyarihan dito sa lupa na magpatawad ng kasalanan." At sinabi niya sa paralitiko, 11 "Tumayo ka, buhatin mo ang iyong higaan at umuwi!"

12 Tumayo nga ang paralitiko, agad na binuhat ang kanyang higaan at lumabas habang nakatingin ang lahat. Namangha ang lahat at pinuri nila ang Diyos. Sinabi nila, "Ngayon lang kami nakakita ng ganito."

Veja também