Pular para o conteúdo
Publicidade

Marcos 4

3 "Makinig kayo! May isang magsasakang naghasik ng binhi. 4 Sa kanyang paghahasik, may mga binhing nahulog sa tabi ng daan. Dumating ang mga ibon at pinagtutuka ang mga binhing iyon. 5 May mga binhi namang nahulog sa batuhan, kung saan walang gaanong lupa. Mabilis na tumubo ang mga binhi dahil mababaw ang lupa. 6 Ngunit nalanta rin ang mga ito nang masikatan ng araw at namatay dahil hindi masyadong nag-ugat. 7 May mga binhi namang nahulog sa may matitinik na damo. Lumago ang mga damo at sinikil nito ang mga tumubong binhi kaya hindi namunga. 8 Ngunit ang iba namaʼy nahulog sa matabang lupa. Tumubo at lumago ang mga ito, at namunga nang marami. May tigtatatlumpu, tig-aanimnapu, at tig-iisang daan."

9 Pagkatapos, sinabi ni Hesus, "Makinig ang sinumang may pandinig!"

Veja também