22 Isa sa mga namumuno sa sinagoga na nagngangalang Jairo ang dumating doon. Pagkakita niya kay Hesus, lumuhod siya sa paanan ni Hesus 23 at nagsumamo, "Nag-aagaw-buhay po ang anak kong dalagita, kaya kung maaari, sumáma po kayo sa akin at ipatong ninyo ang inyong kamay sa kanya, upang gumaling siya at mabuhay!" 24 Kaya sumáma sa kanya si Hesus.
Sinundan siya ng napakaraming tao na nagsisiksikan sa kanya.