Pular para o conteúdo
Publicidade

Marcos 5

25 May isang babae roon na labindalawang taon nang dinudugo. 26 Maraming hirap na ang dinanas niya sa kamay ng ibaʼt ibang manggagamot. Naubos na rin ang lahat ng ari-arian niya sa pagpapagamot, pero sa halip na gumaling ay lalo pang lumala ang kanyang sakit. 27 Nabalitaan niya ang tungkol kay Hesus, kaya nakipagsiksikan siya sa mga tao upang mahipo man lang ang damit ni Hesus. 28 Naisip kasi niya, "Mahawakan ko lamang ang damit niya ay gagaling na ako." 29 Biglang tumigil ang kanyang pagdurugo nang mahipo niya ang damit ni Hesus, at naramdaman niyang magaling na siya.

30 Agad namang naramdaman ni Hesus na may kapangyarihang lumabas sa kanya, kaya lumingon siya at nagtanong, "Sino ang humawak sa damit ko?"

31 Sumagot ang mga alagad niya, "Sa dami po ng mga taong nagsisiksikan, bakit pa ninyo tinatanong kung sino ang humawak sa inyo?"

32 Ngunit patuloy siyang lumingon-lingon upang makita kung sino ang humipo sa kanya. 33 Dahil alam ng babae kung ano ang nangyari sa kanya, lumapit siyang nanginginig sa takot at lumuhod sa harap ni Hesus, at ipinagtapat ang kanyang ginawa. 34 Sinabi sa kanya ni Hesus, "Anak, pinagaling ka ng iyong pananampalataya. Malaya ka na sa iyong paghihirap, kaya umuwi kang mapayapa."

Veja também