Pular para o conteúdo
Publicidade

Marcos 5

38 Pagdating nila roon, nakita ni Hesus ang kaguluhan, may mga umiiyak at humahagulgol. 39 Pumasok siya sa bahay at sinabi niya sa kanila, "Bakit kayo nagkakagulo at nag-iiyakan? Hindi patay ang bata kundi natutulog lang!" 40 Ngunit pinagtawanan lamang siya ng mga ito.

Pinalabas niya silang lahat maliban sa amaʼt ina ng bata at sa tatlo niyang alagad. Pagkatapos, pumasok sila sa kuwartong kinaroroonan ng bata. 41 Hinawakan niya ito sa kamay at sinabi, "Talitha koum!" (na ang ibig sabihin ay "Ineng, bumangon ka"). 42 Bumangon naman agad ang bata at naglakad-lakad (siyaʼy labindalawang taóng gulang). Labis ang pagkamangha ng mga nakasaksi sa nangyari.

Veja também