21 Subalit dumating ang pagkakataong pinakahihintay ni Herodias. Kaarawan noon ni Herodes at nagdaos siya ng malaking handaan. Inimbita niya ang mga opisyal ng Galilea, mga kumander ng mga sundalo at iba pang mga tinitingalang tao roon. 22 Nang oras na ng handaan, pumasok ang anak na babae ni Herodias at sumayaw. Labis na nasiyahan si Herodes at ang mga bisita niya.
Kaya sinabi ni Herodes sa dalaga, "Hingin mo ang kahit na anoʼng gusto mo at ibibigay ko saʼyo."