Pular para o conteúdo
Publicidade

Marcos 6

22 Nang oras na ng handaan, pumasok ang anak na babae ni Herodias at sumayaw. Labis na nasiyahan si Herodes at ang mga bisita niya.

Kaya sinabi ni Herodes sa dalaga, "Hingin mo ang kahit na anoʼng gusto mo at ibibigay ko saʼyo."

23 At sumumpa pa siya, "Ibibigay ko ang anumang hingin mo, kahit kalahati pa ng kaharian ko."

24 Lumabas muna ang dalaga at tinanong ang kanyang ina, "Ano po ang hihingin ko?"

Sumagot ito, "Hingin mo ang ulo ni Juan na Tagapagbautismo."

25 Kaya dali-daling bumalik ang dalaga sa hari at sinabi, "Gusto ko pong ibigay ninyo sa akin, ngayon din, ang ulo ni Juan na Tagapagbautismo, na nakalagay sa isang bandehado."

26 Labis itong ikinalungkot ng hari, ngunit dahil nangako siya sa harap ng kanyang mga bisita, hindi niya ito matanggihan. 27 Kaya pinapunta niya agad sa bilangguan ang isang kawal upang dalhin sa kanya ang ulo ni Juan. Pumunta ang kawal sa bilangguan at pinugutan si Juan. 28 Inilagay niya ang ulo sa bandehado at ibinigay sa dalaga, at ibinigay naman ito ng dalaga sa kanyang ina.

Veja também