Pular para o conteúdo
Publicidade

Marcos 7

9 Sinabi pa niya, "Ang huhusay ninyong magpawalang-bisa ng mga utos ng Diyos para masunod ang sarili ninyong kaugalian. 10 Katulad na lang ng sinabi ni Moises, Igalang ninyo ang inyong mga magulang,7:10 Exo. 20:12; Deu. 5:16. at Ang lumalapastangan sa kanyang mga magulang ay dapat patayin.7:10 Exo. 21:17; Lev. 20:9. 11 Ngunit itinuturo naman ninyo na kapag sinabi ng isang anak sa mga magulang niya na ang tulong na ibibigay niya sana sa kanila ay Korban (ang ibig sabihin, nakalaan na sa Diyos), 12 hindi na siya obligadong tumulong pa sa kanila. 13 Pinapawalang-bisa ninyo ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng mga kaugaliang ginawa nʼyo at ipinamana sa iba. At marami pa kayong ginagawang tulad nito."

Veja também