Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Bilang 11:11-17

11 Nagtanong siya sa Panginoon, "Bakit nʼyo po ako binigyan na inyong lingkod ng malaking problema? Ano po ba ang ginawa ko na hindi kayo natuwa kaya ibinigay ninyo sa akin ang problema ng mga taong ito? 12 Ako ba ang nagbuntis sa kanila? Ako ba ang nagsilang sa kanila para sabihin ninyong kargahin ko sila katulad ng pagkarga ng isang yaya sa alaga niyang bata, at dalhin sila sa lupaing ipinangako ninyo sa kanilang mga ninuno? 13 Saan po ba ako kukuha ng karne para sa mga taong ito? Dahil patuloy ang pagrereklamo nila sa akin na bigyan ko sila ng karneng makakain nila. 14 Hindi ko po sila kayang alagaang lahat nang mag-isa. Napakahirap nito para sa akin. 15 Kung ganito lang po ang pagtrato ninyo sa akin, patayin nʼyo na lang ako ngayon. Kung nalulugod kayo sa akin, huwag ninyo akong pabayaang magdusa."

16 Kaya sinabi ng Panginoon kay Moises, "Tipunin mo ang pitumpu sa mga tagapamahala ng Israel na kilalang-kilala mo na mga pinuno ng mga mamamayan, at papuntahin sila sa Toldang Tipanan at patayuin sila doon kasama mo. 17 Bababa ako at makikipag-usap sa iyo doon. Kukuha ako ng espiritung nasa iyo at ibabahagi ko sa kanila upang makatulong sila sa pamamahala ng mga tao para hindi lang ikaw mag-isa ang namamahala.

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.