46 Pagkatapos, sinabi ni Moises kay Aaron, "Kunin mo ang lalagyan mo ng insenso at lagyan ito ng insenso at baga galing sa altar, at magmadali kang pumunta sa mga mamamayan at maghandog ka sa Panginoon para mapatawad ang kanilang mga kasalanan, dahil galit na ang Panginoon at nagsimula na ang salot." 47 Kaya sinunod ni Aaron ang iniutos ni Moises, at tumakbo siya sa gitna ng mga mamamayan. Nagsimula na ang salot sa mga tao, ngunit naghandog pa rin si Aaron ng insenso para mapatawad ang kasalanan ng mga tao. 48 Tumayo siya sa gitna ng mga taong patay na at ng mga buháy pa at tumigil ang salot.
Publicidade
Mga Bilang 16:46-48
OASD Ang Salita ng Diyos
Em outras traduções
- ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)
46 At sinabi ni Moises kay Aaron, Kunin mo ang iyong suuban, at lagyan mo ng apoy mula sa dambana at patungan ng kamangyan, at dalhin mong madali sa kapisanan, at itubos mo sa kanila: Lev. 10:6;8:19;11:33;1 Cron. 27:24.sapagka’t may galit na lumabas sa harap ng Panginoon; ang salot ay nagpapasimula na.
47 At kinuha ni Aaron gaya ng sinalita ni Moises, at siya’y tumakbo sa gitna ng kapulungan; at, narito, ang salot ay nagpasimula sa gitna ng bayan; at siya’y naglagay ng kamangyan at itinubos sa bayan.
48 At siya’y tumayo sa gitna ng mga patay at ng mga buhay; at ang salot ay Blg. 25:8;2 Sam. 24:21,25;Awit 106:30.tumigil.
Direitos das traduções citadas
Estes versículos te tocaram? Ore agora!
+581 estão orando agora.
Junte-se à corrente de oração.