Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Bilang 30

Ang Kautusan tungkol sa Panata

1 Sinabi ni sa mga pinuno ng lahi ng , "Ito ang mga utos ng Panginoon: 2 Kung ang isang lalaki ay gagawa ng panata o susumpa sa Panginoon na gagawin niya o hindi ang isang bagay, kailangang tuparin niya ang lahat ng kanyang sinabi.

3 "Kung ang isang dalaga na naninirahan pa sa bahay ng kanyang ama ay gumawa ng panata o nanumpa sa Panginoon na gagawin niya o hindi ang isang bagay, 4 at nalaman ito ng kanyang ama ngunit hindi naman ito tumutol, kailangang tuparin niya ito. 5 Ngunit kung tumutol ang kanyang ama kapag nalaman ito, hindi na niya ito kailangang tuparin. Patatawarin siya ng Panginoon dahil tumutol ang kanyang ama.

6 "Kung ang isang dalaga ay manumpa o gumawa ng panata na gagawin niya o hindi ang isang bagay, pagkatapos nag-asawa siya, kahit na pabigla-bigla man o hindi ang kanyang pangako, 7 at nalaman ito ng kanyang asawa ngunit hindi naman ito tumutol, kailangang gawin niya ang kanyang ipinangako. 8 Ngunit kung tumutol ang kanyang asawa kapag nalaman ito, hindi na niya ito kailangang tuparin, at wala na siyang pananagutan sa Panginoon.

9 "Kung ang isang biyuda o babaeng hiniwalayan ng asawa ay gumawa ng panata o nanumpa na gagawin niya o hindi ang isang bagay, kailangang tuparin niya ito.

10 "At kung ang isang babaeng may asawa ay gumawa ng panata o nanumpa na gagawin niya o hindi ang isang bagay, 11 at nalaman ito ng kanyang asawa ngunit tumahimik lang ito at hindi tumutol, kailangang tuparin niya ito. 12 Ngunit kung tumutol ang kanyang asawa kapag nalaman ito, hindi na niya ito kailangang tuparin. Patatawarin siya ng Panginoon dahil tumutol ang kanyang asawa. 13 May karapatang pumayag o tumutol ang kanyang asawa sa kahit anong ginawa niyang sumpa o panata. 14 Ngunit kung hindi tumutol ang kanyang asawa sa mismong araw na nalaman niya ito, pumapayag ang kanyang asawa na tuparin niya ito. 15 Subalit kung pinalipas pa ng kanyang asawa ang ilang araw bago tumutol, ang kanyang asawa ang parurusahan sa kanyang kasalanan."

16 Iyon ang mga kautusan na ibinigay ng Panginoon kay tungkol sa lalaki at sa kanyang asawa, at tungkol sa ama at sa kanyang anak na dalagitang nakatira sa kanyang bahay.

Pessoa
Tribo de Levi
Moisés
מֹשֶׁ֔הmoshehΜωϋσῆςMōüsē͂s
Moisés, levita criado pela filha do faraó, foi chamado por Deus na sarça ardente, tirou Israel da escravidão do Egito e recebeu a lei no monte Sinai (Êxodo 3:4).
Significado: “Tirado das águas”
Ver página completa
Pessoa
H3290
Jacó
יַעֲקֹ֑בyaaqovΙακωβIakob
Jacó, filho de Isaque, comprou de Esaú o direito de primogenitura, lutou com Deus em Peniel e recebeu o nome Israel; seus doze filhos deram origem às tribos (Gênesis 32:28).
Significado: “Aquele que segura pelo calcanhar (suplantador)”
Ver página completa
Pessoa
Tribo de Levi
Moisés
מֹשֶׁ֔הmoshehΜωϋσῆςMōüsē͂s
Moisés, levita criado pela filha do faraó, foi chamado por Deus na sarça ardente, tirou Israel da escravidão do Egito e recebeu a lei no monte Sinai (Êxodo 3:4).
Significado: “Tirado das águas”
Ver página completa
Todos os capítulos de Mga Bilang 36
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.