51 Sinabi ni Esteban, "Napakatigas ng ulo ninyo! Nagbibingi-bingihan kayo sa salita ng Diyos at ayaw nʼyong sumunod dito. Palagi ninyong kinakalaban ang Banal na Espiritu. Manang-mana kayo sa mga ninuno ninyo! 52 Sino ba sa mga propeta ang hindi inusig ng mga ninuno ninyo? Pinatay pa nga nila ang mga nagpahayag tungkol sa pagdating ng Matuwid na Lingkod. At ngayong dumating na siya, kayo ang trumaydor at pumatay sa kanya.