Pular para o conteúdo
Publicidade

Ang Mangangaral 1

Walang Kabuluhan ang Lahat

1 Ito ang sinabi ng mangangaral1:1 mangangaral: O guro o isang matalinong tao. na anak ni na hari sa :

2 "Walang kabuluhan!"

sabi ng Mangangaral.

"Tunay na walang kabuluhan!

Ang lahat ay walang kabuluhan."

3 Ano ang pakinabang ng tao

sa pagpapakahirap niyang

magtrabaho sa mundong ito?

4 Lumilipas ang isang henerasyon

at itoʼy napapalitan,

pero ang mundo ay hindi nagbabago.

5 Sumisikat ang araw

at pagkatapos ay lumulubog;

pabalik-balik lang

sa kanyang pinanggalingan.

6 Umiihip ang hangin sa timog

at pagkatapos ay iihip

naman sa hilaga.

Paikot-ikot lang ito

at pabalik-balik.

7 Lahat ng ilog ay umaagos sa dagat,

pero hindi naman napupuno ang dagat

kahit na patuloy ang pag-agos ng ilog.

8 Ang lahat ng itoʼy nakakabagot

at ayaw na ngang pag-usapan.

Hindi nagsasawa

ang mga mata natin sa katitingin

at ang mga tainga natin sa pakikinig.

9 Ang mga nangyari noon,

nangyayari ulit ngayon.

Ang mga ginawa noon,

ginagawa ulit ngayon.

Walang nangyayaring bago

sa mundo.

10 May mga bagay pa ba

na masasabi mong bago?

Nariyan na iyan noon pa,

kahit noong hindi pa tayo ipinapanganak.

11 Hindi na natin naaalala

ang mga nangyari noon;

ganoon din sa hinaharap,

hindi rin ito maaalala ng mga tao

sa bandang huli.

Ang Karunungan ng Tao ay Walang Kabuluhan

12 Ako na isang mangangaral ay naging hari ng Israel. Tumira ako sa . 13 Sa aking karunungan, pinag-aralan kong mabuti ang lahat ng nangyayari rito sa mundo. At nakita kong napakahirap ng gawaing ibinigay ng Diyos sa mga tao. 14 Nakita kong walang kabuluhan ang lahat ng ginagawa ng tao rito sa mundo. Para kang humahabol sa hangin.

15 Ang baluktot ay hindi mo maitutuwid

at ang wala ay hindi mo maibibilang.

16 Sinabi ko sa aking sarili, "Mas marunong ako kaysa sa lahat ng naging hari sa . Marami akong alam." 17 Pinag-aralan kong mabuti ang pagkakaiba ng karunungan at kamangmangan, pero nakita kong wala rin itong kabuluhan. Para kang humahabol sa hangin.

18 Dahil habang nadadagdagan

ang kaalaman ko,

nadadagdagan din ang aking kalungkutan.

Pessoa
Tribo de Judá
Davi
דָוִֽדdavidΔαυιδDauid
Davi, filho de Jessé, era pastor em Belém quando Samuel o ungiu; venceu Golias, reinou sobre Israel em Jerusalém e escreveu muitos dos salmos (1 Samuel 16:13).
Significado: “Amado”
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Jerusalém
Hoje: Jerusalém, Israel
יְרוּשָׁלִַ֫םyerushalaimἹερουσαλήμHierousalēm
Jerusalém é a cidade do templo de Deus, onde moraram filhos de Judá e de Benjamim; o exército babilônio derrubou os muros da cidade (2 Reis 25:10).
31,78° N, 35,23° L
Citado em 955 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Jerusalém
Hoje: Jerusalém, Israel
יְרוּשָׁלִַ֫םyerushalaimἹερουσαλήμHierousalēm
Jerusalém é a cidade do templo de Deus, onde moraram filhos de Judá e de Benjamim; o exército babilônio derrubou os muros da cidade (2 Reis 25:10).
31,78° N, 35,23° L
Citado em 955 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Jerusalém
Hoje: Jerusalém, Israel
יְרוּשָׁלִַ֫םyerushalaimἹερουσαλήμHierousalēm
Jerusalém é a cidade do templo de Deus, onde moraram filhos de Judá e de Benjamim; o exército babilônio derrubou os muros da cidade (2 Reis 25:10).
31,78° N, 35,23° L
Citado em 955 versículos
Ver página completa
Todos os capítulos de Ang Mangangaral 12
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.