Publicidade

Eclesiastes 12

1 Alalahanin mo ang lumikha sa iyo

habang ikaw ay bata pa

at bago dumating ang panahon ng kahirapan

at masabi mong,

"Hindi ako masaya sa aking buhay."

2 Alalahanin mo siya

bago dumilim ang araw, ang buwan

at ang mga bituin na parang

natatakpan ng makakapal na ulap.

3 Darating ang araw na manginginig

ang iyong mga bisig12:3 bisig: Sa literal, mga bantay ng bahay.

at manghihina ang iyong mga tuhod.12:3 tuhod: Sa literal, malalakas na lalaki.

Hindi ka na makakanguyang mabuti

dahil iilan na lang ang iyong ngipin.12:3 ngipin: Sa literal, mga babaeng tagagiling ng butil.

At lalabo na nang tuluyan

ang iyong paningin.12:3 paningin: Sa literal, mga babaeng nakasilip sa bintana.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_12-11-46-