13 Kinaumagahan, naupo si Moises bilang hukom upang dinggin ang mga kaso ng mga tao. Nakapila ang mga tao sa harapan niya mula umaga hanggang gabi.
17 Sinabi ni Jetro, "Hindi tama ang pamamaraan mong ito. 18 Pinapahirapan mo lang ang sarili mo at ang mga taong ito. Napakahirap nito kung ikaw lang. 23 Alam kong ito ang gusto ng Diyos na gawin mo, at kung susundin mo ito, hindi ka na mahihirapan. At makakauwi ang mga taong ito nang mapayapa."
24 Sinunod ni Moises ang ipinayo sa kanya ng kanyang biyenan.