Pular para o conteúdo
Publicidade

Exodus 18:19-23

OASD Ang Salita ng Diyos

19 Makinig ka sa akin at papayuhan kita, at sanaʼy samahan ka ng Diyos. Ipagpatuloy mo ang ginagawa mong paglapit sa Diyos para sa mga tao. Dalhin mo ang mga kaso nila sa kanya. 20 Ipagpatuloy mo rin ang pagtuturo mo sa kanila ng mga tuntunin at kautusan ng Diyos. Turuan mo rin sila kung paano mamuhay at kung ano ang gagawin nila. 21 At pumili ka sa taong-bayan ng mga lalaking may kakayahan, may takot sa Diyos, mapagkakatiwalaan, at hindi tumatanggap ng suhol. Gawin mo silang mga pinuno ng mga pangkat na binubuo ng isang libo, isang daan, limampu at sampung tao. 22 Maglilingkod sila bilang mga hukom sa lahat ng oras. Sila ang magpapasya sa simpleng mga kaso, pero dadalhin nila sa iyo ang mabibigat na kaso. Sa ganitong paraan, mapapagaan ang trabaho mo dahil matutulungan ka nila. 23 Alam kong ito ang gusto ng Diyos na gawin mo, at kung susundin mo ito, hindi ka na mahihirapan. At makakauwi ang mga taong ito nang mapayapa."

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    19 Dinggin mo ngayon ang aking tinig; papayuhan kita, at sumaiyo nawa ang Dios: Ex. 20:19;Deut. 5:5.ikaw ang maging tagapagakay sa bayan sa harap ng Dios, Blg. 27:5.at dalhin mo ang mga usap sa Dios:

    20 At ituturo mo sa kanila ang mga palatuntunan, at ang mga kautusan, at ipakikilala mo sa kanila ang Awit 143:8.daang nararapat lakaran, at ang gawang kanilang nararapat gawin.

    21 Bukod dito’y hahanap ka sa buong bayan ng Deut. 1:15,16;16:18;2 Cron. 19:5,10;Gawa 6:3.mga taong bihasa, gaya ng matatakutin sa Dios, Deut. 16:19.na mga taong mapagpatotoo, na mga napopoot sa kasakiman; at siyang mga ilagay mo sa kanila, na magpuno sa mga lilibuhin, magpuno sa mga dadaanin, magpuno sa mga lilimangpuin, at magpuno sa mga sasangpuin:

    22 At pahatulan mo sa kanila ang bayan sa buong panahon: Lev. 24:11;Blg. 15:33;Deut. 1:17;17:8.at mangyayari, na bawa’t malaking usap ay dadalhin nila sa iyo, datapuwa’t bawa’t munting usap, ay silasila ang maghahatulan: sa ganyan ay magiging magaan sa iyo, Blg. 11:17.at magpapasan silang katulong mo.

    23 Kung gagawin mo ang bagay na ito, at iuutos sa iyong ganyan ng Dios ay iyo ngang mababata, at ang buong bayan namang ito ay uuwing Ex. 16:29;Gen. 18:33;2 Sam. 19:39.payapa.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.